Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang batas para mabigyan ng teaching supplies allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Layon ng House Bill 547, An act institutionalizing the grant of teaching supplies allowance for public schools’ teachers and appropriating fund, na magbigay ng karagdagang P10,000 sa mga guro.
Ito ay upang magamit nilang pantustos at pang gastos sa teaching supplies at materials na kanilang ginagamit sa pagtuturo.
Ayon naman kay Maguindanao Representative Bai Dimple Mastura na isa sa may akda ng panukala, na malaking tulong ito sa lahat ng mga public schools teacher para hindi na nila magamit ang kanilang sariling pera pambili ng mga gamit sa pagtuturo.
Aniya, batid na minsan nag-aabono ang mga ito kaya layon ng batas na mabawasan ang paghihirap ng mga guro.
Inaasahan naman na magtutuloy-tuloy ang pagtalakay ng nasabing panukala sa plenaryo sa susunod na session ng Kongreso. | ulat ni Melany Valdoz Reyes