Pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tatagal ng tatlong oras ang parada ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa CAMANAVA area mamayang hapon.
Ayon sa MMDA, aabot sa 8.7 kilometro ang lalakbayin ng parada ng floats sakay ang mga artista ng 10 pelikula na kalahok sa MMFF.
Sisimulan ang ruta mula sa Navotas Centennial Park at babaybayin ang C4 Road,Samson Road at Mc Arthur Highway hanggang Velanzuela Peoples Park.
Magpapatupad naman ng temporary lane closure at counterflow simula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-8:00 ng gabi sa:
• C-4 Road (mula Navotas Centennial Park hanggang A Mabini St.)
• Samson Road (mula A. Mabini St. hanggang Monumento Circle)
• Mc Arthur Highway (mula Monumento Circle hanggang C. Santos Street)
Inaasahan ang matinding trapiko sa mga perpendicular roads nito dahil tiyak nang dadagsa sa mga lansangan ang mga tao para makita ang mga paboritong artista.
Hinihikayat ang mga motorista na iwasan muna ang apektadong ruta at dumaan sa mga alternatibong ruta:
• Mula Malabon patungong Navotas, dumaan sa Gov. Pascual at M. H. Del Pilar Street
• Lahat ng patungo sa Monumento ay maaaring dumaan sa Gov. I Santiago Road, M. H. Del Pilar Street, at Samson Road
• Maaari ring dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound at southbound. | ulat ni Rey Ferrer