Aprubado ng Asian Development Bank (ADB) ang aabot sa $450 milyon na policy-based loan na layong palakasin ang health policy reforms sa Pilipinas.
Layon din ng halagang ito, bilang bahagi ng Build Universal Health Care Program (Subprogram 2), na mapabuti ang access ng mga Pilipino sa gamot at serbisyong pangkalusugan, at patuloy na masuportahan ang universal health care coverage.
Binigyang-diin ni ADB Principal Health Specialist Eduardo Banzon ang pangako sa pangmatagalang suporta na ito upang na tiyakin ang patas na access at responsiveness sa mga gender-specific health issues kasama na ang impact ng climate change.
Sa ilalim ng Subprogram 2, itinataguyod ng gobyerno ang updated na health financing strategy, national medicine access policy, at National Health Data Repository framework. Kasama rin dito ang Green and Safe Health Facilities scheme, pinalawak na health promotion activities, at performance incentives para sa mga local government units.
Simula pa 2016, ang partnership ng ADB at Pilipinas ay nagpapatibay ng pareho nitong layunin na itayo ang isang masagana, inclusive, at resilient na Asia-Pacific region, na pokus sa pag-aalis ng labis na kahirapan o extreme poverty. | ulat ni EJ Lazaro