Limang Distressed Overseas Filipino Workers returnees ang pinagkalooban na ng tulong ng Department of Migrant Workers.
Ayon kay DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac bawat OFW ay tumanggap ng P30,000 financial aid at livelihood assistance.
Higit Php 1 million naman ang naimahagi sa mga benepisyaryo ng “Tulong Puso Program” ng Overseas Worker Welfare Administration na attached agency ng DMW.
Samantala, sinabi pa ni Cacdac na ang 9th leg ng weekend long Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ay isinagawa sa Guimbal National High School sa Guimbal, Iloilo.
Ito ang flagship project ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinakamalaking service caravan na naghahatid ng mahahalagang serbisyo sa mga komunidad na kulang sa serbisyo. | ulat ni Rey Ferrer