Nakalatag na ang security measures sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa inaasahang bugso ng mga bibiyahe patungong probinsya.
Sinabi ng Philippine Port Authority, posibleng aabutin ng hanggang 5 million na mga pasahero ang mga pantalan ngayong holiday season.
Limang terminal ang tinututukan ng PPA na dadagsain ng mga pasahero kung kayat nagdoble na sila ng security measures.
Kabilang sa mga ito ay ang Batangas Port, Matnog Port sa Sorsogon, Panay/Guimaras Port, Calapan Port sa Oriental Mindoro, Davao Port patungong Samal Island at Bacolod Port sa Negros Occidental.
Dahil sa pagdagsa ng mga pasahero, ipinagamit na ng Batangas Port ang bagong terminal nito kung saan kayang i-accommodate ang 8,000 biyahero. | ulat ni Mike Rogas