700 pamilya, nailisan sa mga evacuation area sa Davao Oriental dahil sa bahang dulot ng Bagyong Kabayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

May nasa may pitong  daang pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation area sa lalawigan ng Davao Oriental dahil sa mga pagbahang dulot ng Bagyong Kabayan kahapon.

Ayon kay Davao Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Francis Jason Bendulo, pinakalubhang naapektohan ang bayan ng Caraga, kung saan may 630 na pamilya ang nasa evacuation centers – 480  dito ay sa Brgy. Sto. Niño at 150 Brgy Poblacion.

Ayon kay Bendulo, patuloy pa sila sa pagvalidate sa datus sa ibang barangay na aniya’y may maraming pamilyang inilikas rin dahil sa baha.

Samantala, may 61 pamilya naman ang nasa evacuation center sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Cateel.

Kinumpirma rin ng PDRRMO na may isang naitalng missing na lalaki matapos malunod sa baha sa Brgy. Holy Cross sa bayan ng Manay.

Patuloy rin ang pagvalidate ng PDRRMO sa mga istrukturang nasira dahil sa baha at landslide, ngunit sa inisyal na assessment ng ahensya may naitalang dalawang bahay sa bayan Bagangga ang totally damaged matapos tangayin ng rumaragasang tubig, habang isang tulay naman ang nag-collapse sa Brgy. Lamiawan sa bayan ng Caraga.

Sa ngayon, patuloy ang mga LGU at PLGU sa pamamahagi ng pasiunang mga relief goods sa mga apektadong pamilya.

Nanawagan naman ng kaunting tulong ang Davao Oriental PLGU sa mga mamamayan katulad ng mga damit, pagkain, at tubig uoang maibigay sa mga binagyong residente sa probinsya. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us