Nakararami sa mga Pilipino ang sasalubungin ang 2024 nang may pag-asa.
Batay sa resulta ng Social Weather Survey, 96% ng mga Pilipino ang nagsabing haharapin nang may pag-asa ang Bagong Taon.
Mas mataas ito kumpara sa 95% na resulta ng survey noong 2022.
Samantala, nasa 3% naman ng mga Pilipino ang nagsasabing haharapin nang may pangamba ang 2024.
Isinagawa naman ang survey noong December 8 hanggang December 11 sa 1,200 na adult respondents at may sampling error margins na positive-negative 2.8%. | ulat ni Diane Lear