Administrasyong Marcos Jr. di titigil sa hangaring ibaba ang unemployment rate at pagkakaloob ng dekalidad na trabaho hanggang 2028 — Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatiling commited ang Department of Finance (DOF) upang isulong ang kinakailangang fiscal policies  upang makaenganyo ng mga investors sa bansa na magreresulta ng job creation.

Ito ang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno kasunod nang naitalang mababang unemployment rate sa nakalipas na Oktubre.

Ayon kay Diokno, malapit nang  makamit ng bansa ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  ibaba ang unemployment rate sa 4 to 5 percent hanggang taong 2028.

Aniya, sa gitna ng mga nararanasang external headwinds at mataas na inflation, nakayanan ng ekonomiya ng bansa na i-manage ang paborableng labor and employment condition.

Dagdag pa ng kalihim, patuloy na paiigtingin ng gobyerno ang  pagpapatupad ng proactive measures upang hindi makaapekto ang external shocks sa domestic market.

Diin niya hindi sila titigil na mag-invest sa human capital development particular sa mga kabataan upang ihanda sila sa workforce at de kalidad na trabaho.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us