Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na isa sa malaking hamon na napagtagumpayan ng Administrasyong Marcos ngayong taon ay ang mataas na inflation.
Kabilang ito sa yearend report ng Finance Department ngayong taon.
Ayon kay Diokno, ito ay sa kabila ng elevated inflation sa mundo, global supply chain bottlenecks; nagawa ng gobyerno na bumuo ng mga hakbang upang ma-mitigate ang impact sa vulnerable sector.
Mula sa 8.7% inflation ng January 2023, naibaba ito ng 4.1% ng Nobyembre.
Dinadala nito ang year-to-date (YTD) inflation rate sa 6.%, na naaayon sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 6.0% para sa buong taon.
Diin ng kalihim, testamento ito ng atas ng punong ehekutibo na whole of government approach effort upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bilihin habang pinoprotektahan ang vulnerable population.
Malaki din aniya ang naging ambag ng binuo ng Pangulo na Inter-agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 28 bilang proactive measure laban sa inflation. | ulat ni EJ Lazaro