Dumalo si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. sa introductory meeting ng AFP Multi-Sectoral Governance Council (MSGC) sa AFP General Headquarters ngayong araw.
Ang MSGC ay binubuo ng mga representante mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na nagpapayo at nagbibigay ng rekomendasyon sa mga programa at plano ng AFP.
Ang lupon na sumusuporta sa pagsulong ng AFP Transformation Roadmap ay tumutulong sa pagtiyak ng transparency at accountability sa hanay ng militar.
Si Mr. Francisco Del Rosario Jr. ng Institute for Solidarity in Asia ang tumatayong Chairperson ng grupo.
Nagpasalamat si Gen. Brawner sa grupo sa kanilang pag-uukol ng panahon para matulungan ang AFP sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang “good governance”. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAOAFP