Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang paglulunsad ng AFP Mental Health Advocacy Program sa V Luna Medical Center (VLMC) ngayong umaga.
Sa kanyang mensahe, inengganyo ni Gen. Brawner ang mga sundalo na mag-ambag sa paglikha ng isang “mentally-resilient” AFP sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang sariling kakayahan at malayang pagtalakay sa kalusugang pangkaisipan.
Sa pamamagitan aniya ng pagtanggap sa mga problemang pangkaisipan, paghingi ng tulong, at pagpapalaganap ng kaalaman ay mapapatatag ang buong hanay ng Sandatahang Lakas.
Binigyang diin ng AFP ang kahalagahan ng “mental health” sa isang mas malakas at mas mahusay na bansa.
Ang pagbisita ng AFP Chief sa VLMC ay naging pagkakataon din para personal na makumusta niya ang morale ng mga pasyenteng nagpapagaling. | ulat ni Leo Sarne