AFP Chief, pangungunahan ang Command Conference ngayong araw sa Marawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na pangungunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Command Conference sa Marawi City ngayong araw, kaugnay ng nangyaring pagsabog kahapon sa Mindanao State University sa syudad.

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Brawner na personal niyang aalamin ang sitwasyong panseguridad sa lugar mula sa mga commander on the ground ng AFP at Philippine National Police (PNP).

Tiniyak naman ni Brawner na kinakalap ng pamahalaan ang lahat ng impormasyon para mapanagot ang mga responsable sa pagpapasabog na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng 50 iba pa.

Sinabi ni Brawner na plano din niyang bisitahin ang mga sugatan sa ospital at makiramay sa mga pamilya ng mga nasawi.

Ayon kay Brawner, mahalagang matiyak sa mga mamamayan na hindi na maulit ang insidente.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us