Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang lifetime gratuity pay para sa Medal of Valor Awardees.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar, karapat-dapat na makatanggap ng umento ang mga Medal of Valor Awardee kasabay ng respeto ng bawat Pilipino.
Ipinakita aniya ng mga awardee ang kanilang tapang sa gitna ng matinding panganib sa pagganap ng kanilang tungkuling, ipagtanggol ang mga mamayan; at hindi matutumbasan ng estado ang kanilang sakripisyo, partikular ang mga nag-alay ng buhay.
Inanunsyo kahapon ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng AFP ang dagdag na buwanang kompensasyon para sa mga medal of Valor awardee base sa rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) at AFP.
Ayon sa Pangulo, ito ay bahagi ng paghanga at pagsuporta ng kanyang administrasyon sa kagitingan ng mga tropa. | ulat ni Leo Sarne