Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdalo ng Commander in Chief, ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagdiriwang ng kanilang ika-88 anibersaryo ngayong araw.
Bago ang pormal na palatuntunan at parada mamayang hapon sa Camp Aguinaldo kung saan panauhing pandangal ang Pangulo, magkakaroon ng Simultaneous Interfaith Prayer Service at Thanksgiving Mass ngayong umaga.
Ito ay susundan ng simultaneous flag-raising ceremony at awarding ceremony para sa mga natatanging stakeholder at partner ng militar na binansagang “Pagkakaisa Award”.
Sa tampok na palatuntunan sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo mamayang alas-4 ng hapon, magsasagawa ng parada ang division-size dismounted at mounted contingents, kung saan itatanghal ang mga bagong kagamitan ng AFP.
Ang palatuntunan ay bubuksan sa pamamagitan ng high-speed pass ng dalawang F-50 Fighter jets ng Philippine Air Force. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAOAFP