Nanawagan si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa lahat ng tauhan ng AFP na patuloy na protektahan ang karapatang pantao ng mamamayan.
Ang mensahe ng AFP Chief ay binasa ni AFP Deputy Chief of Staff Lt.Gen. Charlton Sean Gaerlan sa flag raising ceremony sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.
Ito’y bilang pakikiisa ng AFP sa sambayanan sa obserbasyon ng National Human Rights Consciousness Week 2023.
Ang selebrasyon ng National Human Rights Conciousness Week mula Disyembre 4 hanggang 10 ay itinakda ng Republic Act 9201 para mapalawak ang kamalayan ng mamamayan sa kanilang mga karapatang pantao. | ulat ni Leo Sarne
📷: Sgt Manzano/PAOAFP