AFP, namahagi ng regalo sa Nayon ng Kabataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng Media and Civil Affairs Group (MCAG) at Civil-Military Operations (CMOS) sa ilalim ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines ang “gift-giving activity” sa Nayon ng Kabataan sa Welfareville Compound, Mandaluyong kahapon.

Sa tulong at koordinasyon ni Mr Mark Miranda ng Share a Smile, Share Moments, Change Lives, nakapagdulot ng kasiyahan ang AFP sa 170 bata, na nakatangap ng sapatos, laruan at iba pang regalo.

Nakiisa din sa aktibidad ang Batch 2015 ng Philippine Military Academy, Philippine National Police Academy, Philippine Merchant Marine Academy at REACT Philippines Inc.

Nagpasalamat naman si Norma Marcelino, Social Welfare Officer III ng Department of Social Welfare and Development at Mrs. Helen Pereyra, Social Welfare Officer IV, OIC Nayon ng Kabataan, sa maagang pamasko sa mga bata.

Sinabi naman ni MCAG Group Commander Major Cenon C Pancito III, na nagpapasalamat din sila sa opprtunidad na makapaghatid ng tulong sa mga bata. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us