Binigyang-diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang mabilis na pagsasabatas ng ₱5.768-trillion General Appropriations Act (GAA) para sa 2024 ay patunay ng malakas na pagtutulungan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang pahayag ni Diokno kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 2024 GAA, ilang araw lamang matapos pagtibayan ng Kongreso ang panukalang batas noong December 11.
Ayon kay Diokno, ang pambansang budget ay naglalayong isulong ang paglago ng ekonomya at pagsasakatuparan ng pag-unlad ng socio-economic goals ng pamahalaan.
Ang 2024 National Budget ay alinsunod sa Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) at 8-Point Socioeconomic Agenda ni Pangulong Marcos Jr. at ang mga layunin sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Dagdag ng kalihim na titiyakin ng gobyerno na bawat piso ay mahusay na magagamit sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.
Ang ₱5.768-trillion pesos na budget ay katumbas ng 21.7 percent ng gross domestic product (GDP). | ulat ni Melany Valdoz Reyes