Kapwa nagpahayag ng suporta sa agarang pagsasapinal ng Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at ang kanyang Japanese counterpart na si Japan Self Defense Force Chief of Joint Staff Gen. Yoshida Yoshihide.
Ito’y sa pag-uusap ng dalawang opisyal sa pamamagitan ng video-teleconfernce kahapon.
Ang Reciprocal Access Agreement ay isang malaking hakbang sa pagsulong ng defense cooperation ng Pilipinas at Japan na inaasahang magpapalakas sa maritime interoperability cooperation ng dalawang bansa.
Nagkasundo ang dalawang opisyal sa kahalagahan ng alliance-building kontra sa “aggression” katulad ng insidente sa West Philippine Sea noong Disyembre 10.
Ipinahayag naman ni Yoshida ang suporta ng Japan sa 2016 Arbitral ruling at ang kanilang pagtutol sa anumang aksyon na magbabago ng “status quo” sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷: TSg Obinque/PAOAFP