Alkalde ng QC, Malabon, Candon City, Iloilo, Dumaguete, top performing mayors sa RPMD survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna ang mga alkalde na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Malabon Mayor Jeannie Sandoval, Candon City Mayor Eric Singson, Iloilo City Mayor Jerry Trenas at Dumaguete City Mayor Ipe Remollo bilang Top Performing City Mayors sa bansa, ayon sa Independent at non-commissioned survey na RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Batay sa inilabas nitong “Boses ng Bayan (Q2)” nationwide evaluation, statistically tie sa top spot ang limang alkalde matapos magkamit ng performance rating na 94.08% si QC Mayor Belmonte, 93.31% si Candon City Mayor Eric Singson, 93.16% si Malabon Mayor Jeannie Sandoval, 93.07% Iloilo City Mayor Jerry Trenas habang 93.05% si Dumaguete City Mayor Ipe Remollo.

Limang alkalde rin ang nagkakahanay sa Top 2 na sina Baguio Mayor Benjamin Magalong (92.53%), Talisay City Mayor Neil Lizares, (92.51%), Maasin City Nikko Mercado (91.72%), Talisay City, Cebu Mayor Samsam Gullas Jr. (91.54%), at Baybay City Jose Carlos Cari (91.51%).

Nasa ikatlong pwesto naman sina Lapu-Lapu City Mayor Ahong Chan of (90.78%), Ozamis City Mayor Indy Oaminal (90.74%), at Calamba City Mayor Ross Rizal (89.83%).

Nasa ikaapat na pwesto sina Lipa City Mayor Eric Africa (89.55%), Legaspi City Mayor Geraldine Rosal (89.41%), at Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino(89.22%) habang pasok rin sa Top 5 sina San Fernando City Mayor Vilma Caluag (88.53%), Santiago City Mayor Alyssa Tan(88.36%), at Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr.(87.62%).

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director of RPMD, pangunahing sinukat sa naturang survey ang kakayahan sa pamamahala, paghahatid ng serbisyo publiko, at mga inisyatibo ng local chief executives tungo sa pagkamit ng economic progress, environmental conservation, at social initiatives.

Ang resultang ito ay bahagi ng ikatlong quartsr “Boses ng Bayan” survey na isinagawa mula September 20 to 30, 2023 sa 10,000 respondents. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us