Nakakaapekto pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.
Inaasahang makararanas pa rin ng maulap na panahon na may tyansa ng pag-ulan ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon bunsod ng Amihan.
Maging ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay posible ring maapektuhan ng isolated light rains dahil sa Northeast Monsoon.
Samantala, umiiral naman ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao kaya asahan din ang makulimlim na panahon at pag-ulan sa Caraga, Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, at Sorsogon.
Ayon sa PAGASA, wala pa rin itong namo-monitor na bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa mga susunod na araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa