Malugod na ibinalita ni Senior Citizens Party-lsit Representative Rodolfo Ordanes na nalalapit na ang pagsasabatas ng inamyendahang Centenarians law.
Kasunod ito ng ratipikasyon ng Kamara sa Bicameral Conference Committee report kung saan magbibigay ng dagdag na cash incentive sa ating mga lolo at lola.
Sa naturang panukala, maliban sa mga senior na aabot sa edad na 100 years old na makakatanggap ng P100,000 ang octogenarians at nonagenarians ay makakatanggap din ng cash incentive.
Kaya ang mga aabot sa kanilang ika-80, 85, 90 at 95 na taong kaarawan ay makakatanggap ng P10,000 na cash gift.
Dahil naman dito ay maaari nang iakyat sa tanggapan ng Pangulo ang panukala para malagdaan. | ulat ni Kathleen Forbes
Local Government Unit of Aguilar