Muling itinaas ng Angat at Ipo Dam ang pinapakawalan nitong tubig dahil sa patuloy na pag-ulan sa watershed.
Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umakyat pa sa 213.68 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na lagpas pa rin sa normal high level ng dam na nasa 212 meters.
Kaya naman mula sa isang spillway gate ay iniakyat pa sa tatlong gate ang binuksan sa Angat Dam na may opening na dalawang metro.
Maging ang Ipo Dam ay nagdagdag din ng dalawa pang gate na bukas ng 1.3 meters.
Samantala, nagtala naman ng bahagyang pagbaba sa lebel ng tubig ang La Mesa Dam, Binga Dam, San Roque, at Pantabangan Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa