Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Angat at Ipo Dam sa Bulacan ngayong Miyerkules.
Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-6 ng umaga, nanatiling bukas ang tig-tatlong gate ng dalawang dam.
Bahagya lang na nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 213.22 meters ngayong umaga, mas mataas pa rin sa normal high water level nitong 212 meters.
Samantala, nananatili sa 1.70 meter naman ang pinapakawalang tubig sa Ipo Dam.
Nasa 100.76 meters ang lebel ng tubig sa dam, na malapit pa rin sa spilling level nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa