Tatlong gate na ng Angat Dam ang binuksan para sa tuloy-tuloy na pagpapakawala ng tubig.
Simula kaninang alas-6:00 ng umaga, nagpapakalawa ng tubig ang dam na may taas na 1.5 meters sa bawat gate na binuksan.
Pinalakas pa ang pagpapakawala ng tubig mula sa dalawang gate lamang kahapon na may gate opening na 1 meter.
Batay sa monitoring ng Pagasa Hydrometeorology Division, nasa 213.40 meters ang water elevation ng Angat na mataas na 212 meters normal high-water elevation.
Samantala, dalawang gate na rin ang binuksan sa Ipo Dam na may gate opening na 1 meter.
Nasa 100.82 meters ang water elevation ng Ipo at may pagitan na -0.18 meters bago maabot ang 101 meters normal.high water level. | ulat ni Rey Ferrer