Angat Dam, patuloy na nagpapakawala ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang Angat Dam sa Bulacan dahil sa mga pag-ulang nitong mga nakalipas na araw.

Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay nasa 212.75 meters pa rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam na lagpas pa rin sa spilling level ng dam na nasa 212 meters.

Isang spillway gate pa rin naman ang bukas na may initial gate opening na 0.50 meter.

Una nang nagpaliwanag ang National Power Corporation (NPC) na nagpapakawala ng tubig ang dam upang mapanatili ang normal capacity nito.

‪Ilang mga karatig-bayan sa Bulacan ang inaabisuhan na mag-ingat sa posibleng pagtaas ng tubig sa Angat River. ‬

Samantala, maging ang Ipo Dam ay nagpapakawala rin ng tubig.

Ayon sa PAGASA, nakabukas rin ang isang spillway gate nito na may opening na 0.70 meters. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us