Malugod na tinanggap ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. General Fernyl Buca ang pagbisita ni Anti-Terrorism Council Program Management Center (ATC-PMC) Executive Director Undersecretary Abraham A. Purugganan sa Camp Aquino, Tarlac.
Si Usec. Purugganan ang namuno sa delegasyon ng ATC na nagsagawa ng Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA2020) Caravan sa Cordillera Hall ng Camp Aquino kahapon.
Ang information caravan ay nilahukan ng 100 representante mula sa Philippine National Police, mga Local Government Unit, at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Layon ng aktibidad na mapalakas ang kooperasyon at kapabilidad ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng ATA2020 na may full-accountability at paggalang sa karapatang pantao.
Nagpasalamat naman si Colonel Romulus Joseph Canieso, NOLCOM Chief of Unified Command Staff, sa delegasyon ng ATC, at sinabing ang sapat na kaalaman at kumpletong impormasyon ang pinaka-epektibong armas laban sa terorismo. | ulat ni Leo Sarne
đŸ“·: NOLCOM