Apat na director ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang nanumpa na sa kanilang tungkulin.
Kabilang sa mga nanumpa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Asian Development Bank Officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.
Si Tan ay mula Maynila at nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration sa University of the Philippines-Diliman kung saan ay tinapos din nito ang Master of Business Administration noong 1987.
Si Tan ay nagsilbi sa iba’t ibang financial institutions gaya ng Citibank, AIG Philam Bank Inc., at Chinatrust Commercial Bank Corp.
Ang isa pang magsisilbing Director ng MIC ay si Andrew Gan, na nagtapos ng finance and business economics sa University of Notre Dame sa Indiana, USA at naka graduate noong 1985, at kumuha ng Masters in Public Policy and Management sa School of Oriental & Asian Studies.
Si German Lichauco naman ay produkto ng De La Salle University noong 1985 at nagtapos din ng Juris Doctor degree sa Ateneo De Manila University noong 1992.
Si Roman Felipe Reyes sa kabilang banda ay graduate ng San Beda College at nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce.
Nagtapos ng kanyang Master of Business Administration-Finance degree sa University of Detroit, Michigan noong 1975.
Una dito ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang President at Chief Executive Officer (CEO) ng MIC noong isang buwan. | ulat ni Alvin Baltazar