Umakyat na sa 25,489 pamilya o 86,321 indibidwal ang naapektuhan ng shear line at tropical depression Kabayan.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga apektadong residente sa 217 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region, at CARAGA.
Pansamantalang sumisilong ang 19,601 pamilya o 67,105 indibidwal sa 390 evacuation centers.
Habang ang iba pang apektadong residente ay tumutuloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Mayroon ding naiulat na isang nasaktan at isang nawawala pero patuloy ang berepikasyon ng ahensya sa mga ito. | ulat ni Leo Sarne