Pinuri ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund kasunod ng pag apruba nito sa P12 bilyong credit line para sa National Housing Authority (NHA).
Ayon kay Acuzar, makatutulong ang mataas na credit line sa NHA upang mas mapabilis ang pagpapatayo ng pabahay na desente at abot kaya ng mga mahihirap na Pilipino sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng Marcos Administration.
Target na makapagtatayo ng NHA ng nasa 9,110 na housing units at medium and high-rise condominiums gamit ang nasabing credit line.
Sa ngayon ay nasa 17 housing projects na ang ongoing ang construction sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program. | ulat ni Diane Lear