Hinikayat ng Archdiocese ng Maynila sa pangunguna ni Cardinal Jose Advincula ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng mga simbahan bilang bahagi ng health and safety protocols ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sa circular na inilabas kahapon, iginiit ni Cardinal Advincula na ang hakbang na ito ay naayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng Archdiocese of Manila dahil sa patuloy na banta pa rin ng COVID-19 at iba pang mga sakit.
Ipinahayag din ni Advincula ang kahalagahan sa pagsunod sa mga health at safety protocols habang pinanatili ang kasiyahan ng Kapaskuhan.
Maliban sa pagsusuot ng face mask, hinihikayat din ng Simbahan ang hand hygiene at hiniling sa mga may sakit na manatili sa kanilang mga tahanan.
Hiling naman ng Arsobispo na sa pagsisimula ng Simbang Gabi o Misa de Gallo na nagsimula ngayong araw, ang masigla at puno ng pananampalataya na diwa ng Paskong Pilipino. | ulat ni EJ Lazaro