Atas ni Pangulong Marcos Jr. na pabilisin ang mga proyektong patubig, suportado ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na tapusin at kumpletuhin ang lahat ng water-related projects hanggang April 2024.

Ito ay sa gitna pa rin ng banta ng tag tuyot dahil sa El Niño phenomenon.

Ipinapakita aniya nito ang commitment ng pamahalaan na protektahan ang taumbayan mula sa epekto ng El Niño.

Umaasa naman ang mambabatas na hindi lang basta sundin ng mga ahensya ang utos na ito ng presidente bagkus ay higitan pa.

“The President’s order signifies the government’s commitment to protect our people from the harsh effects of the coming drought. I hope that our agencies tasked with overseeing these projects will not only comply, but seek to exceed expectations,” sabi ni Nograles

Tinukoy nito, na maaaring kaharapin ng Pilipinas ang pinakamalalang tag tuyot o drought matapos ang 10 bagyo lang ang dumating sa bansa mula sa karaniwang 20.

“Time is of the essence, and every moment of inaction will lead to more families being affected by the drought,” dagdag pa niya.

Kaya rin aniya napapanahon ang pagkakapasa ng House Bill No. 9663, o National Water Resources Act, na siyang magtatatag sa Department of Water, o ang isang ahensya na tututok sa pamamahala ng tubig. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us