Naghain ng isang resolusyon sa Kamara upang magkasa ng imbestigasyon kaugnay sa bilyon-bilyong pisong halaga ng “learning materials” ng Department of Education o DepEd na “hostage” umano ng Transpac Cargo Logistics Incorporated.
Salig sa House Resolution 1516 inaatasan ang House Committee on Public Accounts, at Basic Education na silipin ang naturang usapin.
Tinukoy sa resolusyin na batay sa inisyal na Commission on Audit (COA) findings ay maraming mga kahon ng school supplies ng DepEd ang hindi nade-deliver dahil sa Transpac.
Una nang naghain ng civil case ang DepEd para makuha muli ang mga learning material mula sa Transpac.
Naikasa ang kasunduan ng ahensya sa Transpac noong nakalipas na Duterte administration at nag-overlap sa kasalukuyang liderato ng kagawaran. | ulat ni Kathleen Jean Forbes