Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan sa Mindanao na naapektuhan ng Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong December 2.
Sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), as of December 6, ay aabot na sa ₱21.5-milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot nito sa mga apektadong lugar sa CARAGA at Region 11.
Kabilang dito ang family food packs at cash assistance.
Samantala, umakyat pa sa higit 500 na pamilya na rin o katumbas ng 2,000 indibidwal ang nananatili sa limang evacuation centers.
Aabot naman sa 367 ang mga kabahayang labis na napinsala ng lindol habang nasa 4,733 ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa