Naitala sa Buenavista Protected Landscape sa Mulanay, Quezon ang dalawang bagong bird species sa isinagawang biodiversity monitoring ng Protected Area Management Office nitong ikalawang semestre ng taon.
Ayon sa pabatid ng DENR Calabarzon, ang nasabing species ay ang yellow-wattled bulbul at ang blue-headed fantail, na kapwa kabilang sa conservation status na “Least Concern” batay sa “Birds of the World” ng Cornell Lab of Ornithology.
Batay sa paglalarawan ng ebird.org, ang yellow-wattled bulbul ay isang ibong katamtaman ang laki, at naninirahan sa lowland at kagubatang nasa paanan ng bundok.
Katamtaman din ang laki ng ibong blue-headed fantail, mayroong mahabang buntot, at naninirahan sa mga kagubatan sa lowlands, at sa mga kabundukan ng Luzon.
Ang nasabing species ay karaniwang kumakain ng mga prutas, at ang mga ito ay natural agent para sa seed dispersal at pest control, na nakatutulong sa ecological balance ng protected area. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena