Pormal nang nanungkulan ngayong araw bilang bagong Commander ng Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) si BGen. Jimmy D. Larida PN(M).
Sa Change of Command Ceremony sa JTF-NCR Multipurpose Hall na pinangunahan ni Vice Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (VCSAFP), Lt.Gen. Arthur M. Cordura PAF, pinalitan ni BGen. Larida si BGen. Alexei C. Musñgi PA.
Binati ni Lt. Gen. Cordura si BGen. Larida at BGen. Musñgi sa kanilang mga accomplishment, kasabay ng paghahayag ng buong suporta ng AFP sa lahat ng gampanin ng JTF-NCR.
Binigyang diin ni Lt. Gen. Cordura ang mahalagang papel ng JTF-NCR sa pagsasagawa ng security and stability operations, pagsuporta sa Philippine National Police at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya para sa humanitarian and Disaster Relief Operations (HADR). | ulat ni Leo Sarne
📷: A1C Castro/PAOAFP