Bangko Sentral ng Pilipinas, pinanatili ang inflation target sa 2-4% hanggang 2026

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinagtibay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang commitment nito sa kanilang inflation target na 2 to 4 percent sa susunod na tatlong taon.

Ayon sa BSP, nakatutok sila sa paggabay ng inflation alinsunod sa medium-term target.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, ang pasya ng pamahalaan na i-retain ang medium inflation target ay patunay sa kanilang hangarin na gawin ang lahat upang maibaba ang inflation.

Aniya, mananatili silang mapagbantay at data dependent sa pagpapasya ng patakaran sa pananalapi, at patuloy na mapaunlad ang presyo at katatagan ng pananalapi sa bansa.

Diin ni Remolona, para sa ekonomiya ng Pilipinas makatwiran ang target nilang 2 to 4 percent inflation upang matiyak ang price stability.

Dagdag pa ng BSP chief, na ang three-year medium-term inflation target ay consistent sa “forward-looking approach ng monetary policy” upang manatili inflation expectations na naka-angkla sa inflation target. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us