Hinimok ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang bar passers na tumulong para mapalakas ang “katarungang pambarangay system” at makapagbigay ng tulong legal sa komunidad.
Ito ang mensahe ng Co kasunod ng paglabas ng listahan ng bar passers.
Hinikayat ng Appropriations Chair ang bar passers na magkaloob ng legal aid sa local entrepreneurs, dependents ng Overseas Filipino Workers, marginalized sector kabilang ang mga biktima ng domestic violence at child abuse dahil sila ang higit na nangangailang ng abogado.
Kinongratulate din ng Bicolano solon ang UST Law Legazpi dahil mula sa kanilang eskwelahan ang topnotcher ng bar exams.
Umaasa si Co na magiging inspirasyon nilang ibalik sa komunidad ang tagumpay na natanggap.
Sa inilabas na listahan ng Korte Suprema, umaabot sa 3,812 ang nakapasa sa bar exams. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes