Maaga ang naging selebrasyon ng Pasko ng mga taga-Malolos, Bulacan ng ilunsad doon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang ‘Bawat Buhay Mahalaga Serbisyo Caravan’ na nagbigay ng iba’t ibang regalo at serbisyo para sa mga taga-roon.
Ipinahayag ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na ang mga regalong kanilang ipinamahagi sa nasabing event ay life-changing at nilaanan ng halagang aabot sa P50-milyon.
Kabilang dito ang pamamahagi ng mga scholarship grant, sari-sari store livelihood packages, bisikleta, at kagamitang pang-ospital para sa Bulacan Medical Center. Habang binigyang-diin ni Tengco ang P10,000 na taunang grant para sa 2,000 mag-aaral, na magbibigay suporta para sa edukasyong teknikal at vocational sa mga estudyante sa lugar.
Nagpahayag ngaman ng kanyang taos-pusong pasasalamat si Governor Daniel Fernando para sa mga ambag ng PAGCOR sa lalawigan, mula sa mga livelihood package hanggang sa scholarship grants na inilaan nito
Ayon sa PAGCOR, ang nasabing caravan ay inspired mula sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas ilapit pa ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga lokal na komunidad. | ulat ni EJ Lazaro