Bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur, nasa State of Calamity na matapos matamaan ng 7.4 na lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur, ipinasailalim na sa State of Calamity, sa bisa ng inaprubahang Resolution No. GC-621 Series of 2023.

Ayun kay Municipal Vice Mayor Atty. Tito Canedo III, nagpatawag siya ng special session upang tugunan ang rekomendasyon ni Mayor Shem Garay na siya ring chairman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), para edeklara ang State of Calamity dahil sa lawak ng epekto ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa bayan Sabado ng gabi.

Aabot sa humigit kumulang 11,000 pamilya o 41,000 katao ang apektado sa naranasang malakas na lindol.

Tinatayang nasa ₱88M naman ang pinsala sa mga nasirang bahay sa 24 barangays.

Bagama’t naibalik na ang kuryente sa buong lalawigan, nanatili namang patay sindi ang kuryente sa Hinatuan.

Pahirapan rin sa mga residente sa makukuhang malinis na tubig dahil kontaminado ng putik ang mga linya ng tubig na kasalukuyan pang inaayos.

Kaya’t naglabas ng abiso ang pamahalaang lokal sa mga residente na iwasang uminom derikta sa gripo at siguraduhing pakuloan muna ang nga tubig bago inumin.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us