Bentahan ng itlog sa Muñoz Market, stable sa ngayon — mga nagtitinda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa nagkakaroon muli ng paggalaw sa presyo ng ibinebentang itlog sa Muñoz Market, Quezon City.

Ayon kay Aling Melba, bumaba na ang kuha nila sa kanilang supplier ngunit ₱2 lang ito kada tray kaya hindi niya maibaba pa ang benta sa mga customer.

Sa ngayon, nananatili sa ₱8 ang kanyang benta sa kada small size na itlog, ₱8.50 sa kada medium size na itlog habang ₱8.70 sa kada large size.

Nananatili rin aniyang mataas pa rin ang demand sa itlog ngayon.

Inaasahan naman ni Aling Melba na baka magkaroon pa ng pagtaas sa presyo ng itlog ngayong Christmas season.

Una nang sinabi ng Philippine Egg Board na unti-unti nang bumababa ang presyo ng itlog sa merkado dahil dumarami na ang suplay nito bilang paghahanda sa holiday season.

Batay naman sa monitoring ng Department of Agriculture Bantay Presyo, naglalaro sa ₱7.50 hanggang ₱8.50 ang presyo ng kada kilo na medium size na itlog sa mga pamilihan sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us