Nakataas na sa “Code Red Alert Status” ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw, Disyembre 23, 2023 hanggang Enero 1, 2024.
Ito’y bilang paghahanda lalo na sa National Capital Region sa panahon ng pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.
Sa ilalim ng Oplan Paalala: Iwas-Paputok, may mga ipinatutupad nang operational readiness at precautionary measures ang BFP.
Nakahanda at on standby 24/7 ang firetrucks sa mga istasyon at handang tumugon anumang oras sakaling magkaroon man ng sunog.
Patuloy pang nagpapaalala sa publiko ang BFP na mag-ingat sa sunog at huwag gumamit ng paputok.
Hangad nito sa lahat ang maging safe at fruitful season sa hinaharap. | ulat ni Rey Ferrer