Bicol Saro Party-list sa DOJ: Isama ang mga nakatatanda at PWDs sa mga irerekomendang bigyan ng executive clemency

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan ang Department of Justice (DOJ) na bigyang prayoridad ang mga may sakit, nakatatanda at may kapansanan na persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga irerekomenda na mabigyan ng executive clemency ngayong kapaskuhan.

Ang panawagan ng mambabatas ay kasabay ng kanyang pagbibigay suporta sa jail congestion initiative ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na palayain ang nasa 1,500 na PDL at bigyang ng executive clemency.

Kamakailan lang nang ilabas ng Board of Pardons and Parole ang Board Resolution OT-08-02-2023 kung saan nakasaad, na ang mga PDL na may edad 70 years old kahit pa sila ay high risk at nakapagsilbi na ng sentensya ng 10 taon ay maaari nang ikonsidera na mabigyan ng executive clemency, lalo na kung naghihirap na dahil sa katandaan, sakitin na o may life threatening illnesses o iba pang serious disability.

Dahil dito, mas maraming PDL ang mabibigyan ng pagkakaton para sa executive clemency dahil dati kailangan ay 15 taon ng kanilang sentensya ang kanilang napagsilbihan na.

“We urge the DOJ and the BPP to consider giving priority to elderly, frail PDLs and those suffering from critical illnesses and disabilities in recommending the grant of executive clemency to President Marcos. And we are hopeful that the President would act on these recommendations for humanitarian reasons. Christmas is a time for mercy and compassion. It is also a time that should be spent with one’s family. PDLs who are old, disabled, or in poor health should be given the chance to spend time with their loved ones,” sabi ni Yamsuan.

Pinapurihan din ng Bicolano solon ang pagpapalaya ng Bureau of Corrections ng nasa 11,000 PDLs mula nang magsimula ang Marcos Jr. administration bilang bahagi ng jail decongestion program.

Malaking bagay din aniya na ang mga pinalayang PDL ay sumailalim sa Reformation and Release Program sa pamamagitan ng skills training program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa paraan aniyang ito ay maiiwasang maging repeat offenders ang mga ito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us