Mas pinaikli ng Light Rail Transit Authority 2 ang kanilang operasyon ngayong bisperas ng bagong taon, Disyembre 31,2023.
Ayon sa kanilang abiso, alas-7:00 ng gabi mamaya ang huling biyahe ng tren mula sa Recto Station at alas-7:30 ng gabi naman sa Antipolo.
Limang (5) minuto bago ang huling biyahe sa Recto at Antipolo Stations ay isasara na ang mga nasabing istasyon.
Babalik sa normal ang operasyon ng LRT 2 mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi sa Enero 1 na ng taong 2024. | ulat ni Rey Ferrer