Na-recover ng Philippine National Police (PNP) ang mga bomb fragment sa pampasabog na ginamit kahapon sa Mindanao State University (MSU), sa Marawi City.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na ang mga fragment ng pampasabog ay mula sa 60 mm mortar.
Sa ngayon aniya ay inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang ginamit na triggering device, kung ito ay timer o cellphone.
Ito ay para madetermina ang “bomb signature”, na malaking tulong sa pagtukoy ng mga salarin.
Una nang sinabi ni Police Regional Office Bangasamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Police Brigadier General Allan Nobleza, na mayroon nang tinitingnang persons of interest ang PNP pero hindi pa pwedeng kilalanin habang umuusad ang imbestugasyon. | ulat ni Leo Sarne