Muling hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga Pilipino na ikonsidera ang “e-aguinaldo” o digital cash na pamasko sa halip na mamahagi ng cash ngayon holiday season.
Maaalalang simula noong 2020, parati nang nagpapaalala ang BSP na gumamit ng digital cash bilang Christmas gift.
Sa inilabas na statement ng Bangko Sentral, tiniyak nito sa publiko na may sapat pa ring bagong banknote na karaniwang ginagamit na Pamasko dahil marami sa Pilipino ang gusto pa rin ng “fresh bills”.
Nanawagan din ito sa publiko na iwasan na magpapalit ng bagong malulutong na perang papel na may kapalit na bayad dahil libre itong pwedeng ipapalit sa mga bangko.
Pero ayon sa BSP, mas convenient at mas safe para sa mga magreregalo at mga recipients kung ang Pamasko ngayong Christmas ay ‘e-money’.
Base sa datos ng BSP, sa ngayon mayroon nang 324 million ‘e-money accounts’ sa Pilipinas at maari itong magamit para sa digital payment ng goods, services, at maging monetary gifts. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes