Umabot sa mahigit isang libong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang napalaya ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong buwan.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., nasa 1,093 PDLs ang napalaya at nakapag-Pasko na sa kanilang mga pamilya ngayong buwan. Kabilang sa mga nakalaya ay mga acquitted, nakapagsilbi na ng kanilang sentensya, at nagawaran ng parole.
Dagdag pa ni Catapang na patuloy nilang ipinatutupad ang Bilis Laya Program ng kanilang tanggapan upang mas mapabilis ang paglaya ng PDLs at upang maipatupad ang decongestion sa mga penal farms na hawak ng BuCor.
Sa huli muli namang paalala ni Catapang sa mga PDLs na maging mabuting ehemplo na sila sa estado sa kanilang muling pagbabagong buhay. | ulat ni AJ Ignacio