Umabot sa 60,000 foreign travelers ang dumagsa sa international airports ng bansa ngayong Christmas week, kung saan sa naturang bilang, 85 percent ay mula sa Ninoy Aquino International Airport na nasa 58,993 na inidibidwal.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, nakahanda ang BI sa pagdagsa ng mga pasahero sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa.
Dagdag pa ni Tansingco na kahit Bagong Taon ay full deployment ang BI officers sa pagbabantay sa Immigration Desk sa mga uuwi at hahabol ng biyahe ngayong Bagong Taon.
Sa huli muli namang paalala ng BI sa mga biyahero na gamitin ang eTravel portal ph upang mas maging mabilis ang Immigration process ng mga ito at gawin ito 72 hours bago ang kanilang biyahe. | ulat ni AJ Ignacio