Cagayan Valley RDRRMC, nakikipag-ugnayan na sa mga rescue group para sa paghahanap sa nawawalang light plane sa bahagi ng Sierra Madre Mt.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) sa iba’t ibang rescue groups para magsagawa ng search operations sa nawawalang eroplano sa nasasakupan ng Sierra Madre Mountain sa lalawigan ng Isabela.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2, iniulat ng Philippine Air Force – Tactical Operations Group 2 (PAF-TOG2) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines – Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center na ang PA-32-300 Piper Cherokee Six na may tail number na RP-C1234 at may kulay na puti at asul ay nawawala kahapon ng umaga, Nobyembre 30, 2023.

Ayon kay OCD Region 2 Director Leon Rafael, umalis ang eroplano ng 9:39 ng umaga patungong Palanan, Isabela, ngunit bigong makarating sa Palanan Airport sa inaasahang oras na 10:23 ng umaga.

Napag-alamang sakay nito ang pilotong si Captain Levy Abul II, at isang pasaherong taga-bayan ng Divilacan, Isabela.

Nabatid sa ahensiya na magkakaroon ng face-to-face meeting ngayong umaga ang RDRRMC sa TOG2, sa lungsod ng Cauayan para mapagplanuhan ang isasagawang Search and Rescue operations sa kabundukan ng Sierra Madre. | ulat ni April Racho | RP Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us