Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Silangan ng Cagwait, Surigao Del Sur.
Na-monitor ng Phivolcs ang lindol bandang alas-2:52 ng hapon.
Natunton ang episentro ng lindol 105 km sa Silangan ng Cagwait.
May lalim itong 32 km at tectonic ang dahilan.
Walang namang inaasahang pinsala at aftershocks sa naturang pagyanig. | ulat ni Diane Lear