Caloocan LGU, muling tumanggap ng Seal of Good Local Governance

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ikapitong pagkakataon, muling napabilang ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa mga LGU na ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG)

Ito ay bilang patunay sa husay na ipinakita ng LGU sa nagdaang taon sa iba’t ibang larangan ng pamumunong lokal.

Personal na tinanggap ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang pagkilala at nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa DILG sa patuloy na pagtitiwala sa pamamahala ng LGU.

Pinasalamatan din ng alkalde ang lahat ng mga naging katuwang nito na makuha ang pitong sunod-sunod na SGLG, lalong-lalo na ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na kumikilos araw-araw upang pagandahin at ilapit pa ang mga serbisyo ng LGU sa mga mamamayan.

“Alay po natin ang award na ito sa lahat ng mga Batang Kankaloo na patuloy na nagtitiwala sa ating pamumuno. Asahan niyo, hindi rito nagtatapos ang ating trabaho at lalo pa nating gagalingan upang mabigyan ang ating mga kababayan ng magandang buhay at kinabukasan.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us